Sa paniniwalang ang pagbabago ay nagsisimula sa maliliit na bagay at malaking pagmamahal, inilunsad ang Dagdag Dunong Project noong 2006. Layunin ng proyektong ito ang magbigay ng alternatibong pagmulat sa mga kabataan sa panitikan, kultura, at kasalukuyang kalagayan ng bayan. Ang Street Library sessions ay isinasagawa sa iba’t ibang mahihirap na komunidad sa Metro Manila upang sagutin ang pagkauhaw sa kaalaman ng mga bata at sa malasakit ng kanilang mga magulang sa hinaharap ng kanilang mga anak. Nagkakaroon ng Book reading at Story telling dito na naglalayong i-stimulate ang kakanyahan at pagkamalikhain ng mga bata. Ang mas malalaking mga bata ay nagiging volunteer din sa pagbabasa at pag-aasikaso sa mas nakakabata. Ang Feeding program naman ay isinasagawa sa mahihirap ding komunidad upang makatulong sa pang-araw-araw na laban nila sa malnutrisyon at gutom. Ang Matuto sa Lakwatsa ay isang gawaing pinakaaabangan ng maraming bata sapagkat nakakarating sila sa mga lugar kung saan hindi lang sila mag-eenjoy, matututo pa sila. Isa sa mga lugar na pinupuntahan ng Dagdag Dunong ay ang Museo Pambata, Kalaw, Maynila. Ang Sine Gang Project ay isang gawain ng Dagdag Dunong para sa mga teenager kung saan dadalhin sila ni Ate Bebang o ng iba pang volunteer sa isang film showing (na kadalasan ay libre) na interesante at angkop para sa kanilang mga edad. Madalas ang mga pelikulang pinapanood ay iyong makakapagpaunlad ng kanilang alam ukol sa kultura, buhay, wika at iba pa ng Pilipino at maging ng ibang lahi. Sa kasalukuyan, bumubuo pa ng ibang proyekto ang Dagdag Dunong na sasagot sa ilang mga pangangailan ng mga Pinoy. Lahat nang ito ay libre at bukas sa mga komunidad na nangangailangan ng ganitong proyekto. Tuwing Huwebes 10-12 ng tanghali po ang DDP Storytelling sa room G-9, Philippine Children's Medical Center Bukas ang Dagdag Dunong sa sinumang nais na makibahagi sa mga proyekto nito. Magtext lang kay Bebang sa 0919-3175708 o tumawag sa 4362188. Maari ring sumulat kina Bebang at Russ sa mga address na ito: bebang_ej@yahoo.com russell_gabriel@yahoo.com
GAWAD KOMISYON 2007GAWAD KOMISYON 2007, isang taunang patimpalakpampanitikan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Ang paksa sa taong ito ay: MARAMING WIKA, MATATAG NA BANSA. (Free translation: A gift of tongues for a strong nation).... more
| ||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||









